Mas pinadali pa ng Korte Suprema para sa Pangulong Rodrigo Duterte na makapag deklara ng Martial Law sa buong bansa.
Binigyang diin ito ni BAYAN o Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes, isa sa mga petitioner sa Martial Law declaration sa Mindanao matapos ibasura ng Korte Suprema ang kanilang hakbangin sa nasabing usapin.
Sinabi ni Reyes na dahil sa nasabing desisyon, binigyan ng high tribunal ang gobyerno ng legal basis para palawigin pa ang batas militar na epektibo lamang sa 60 araw.
By: Judith Larino
Pagdedeklara umano ni Pres. Duterte ng Martial law sa buong mas pinadali ng SC – BAYAN was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882