Pinapurihan ng kampo ni presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos Jr., ang desisyon ng Comelec na ideklarang nuisance candidates sina Tiburcio Marcos at Maria Aurora Marcos.
‘We give it to the members of this august body for seeing through the schemes and machinations of certain political camps to make a mockery of the electoral process by resorting to gutter politics,” ayon sa official statement ni Atty. Victor Rodriguez, Chief of Staff at tagapagsalita ni Marcos.
Sinabi pa ni Rodriguez na ang naturang desisyon ay nangangahulugan na buhay pa rin ang demokrasya sa bansa, at habang namamayani aniya ito ay walang sinuman ang may karapatan na hadlangan ang publiko na iboto ang kanilang napiling kandidato.
Giit pa niya, ang karapatang bumoto ay nakasaad sa saligang batas. ang karapatan aniyang pumili ng mamumuno sa bansa ay nagpapakita aniya na malaya ang sambayanang pilipino.
“Our founding fathers have made this privilege a reality with their own blood, with their own lives. any attempt to circumvent this divine right is indeed sacrilegious,” pahayag pa ni Rodriguez.