Kasado na ang pag-dedeploy ng 300 miyembro ng Special Action Force (SAF) sa New Bilibid Prisons (NBP).
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang kampanya ng DOJ laban sa drugs at mayroon nang pag-uusap hinggil sa deployment.
Ang mga kawani ng SAF ay magbabantay sa NBP kung saan sinasabing patuloy na nakakagawa ng transaksyon ang mga drug lord, kahit nakakulong na.
By Katrina Valle