Nanawagan ang isang mambabatas sa Department of Agriculture at sa Department of the Interior and Local Government na mag-deploy pa ng mas maraming Kadiwa rolling stores.
Ito, ayon kay Quezon City Representative Alfred Vargas, ay upang maibsan ang paghihirap ng mga Pinoy sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, lalo na sa Metro Manila.
Wala rin kasi aniyang katiyakan kung kailan magiging stable o huhupa ang presyo ng mga bilihin.
Samantala, ang Kadiwa naman ay isang market system na nagbebenta ng mga pangunahing produkto ng mga magsasaka at mangingisdang Pinoy sa mas murang halaga.