Kawalan ng trabaho, muling pagpapasigla sa negosyo at ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Dr. Guido David, miyembro ng OCTA Research Group na ang mga ito ang ilan lang sa mga kinukunsidera na pamahalaan bago magdesisyon sa dapat na pairaling quarantine status.
Pero ani David, kabilang sa mga dapat ikunsidera ang ating health workers na pagod na pagod nang lumalaban sa hagupit ng virus gayundin ang puno pa ring mga ospital dahil sa dami ng mga dinadapuan ng COVID-19 sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni David na hindi ‘pro-lockdown’ ang kanilang grupo, pero sa ngayon ito lang ang nakikita nilang magandang solusyon para mapanatili ang mabagal na pag-usad ng virus at tuluyan nang makahinga ang health care system ng bansa.
Naintindihan naman natin na may bina-balance tayo na kabuhayan, livelihood at maraming mga tao ang nawalan ng trabaho pero may crisis talaga tayo sa hospital ngayon at malaking desisyon ngayon ng pamahalaan kasi may panahon para magluwag hindi naman tayo pro-lockdown pero sa ngayon ‘yan lang kasi yung solusyon na meron tayo,” ani David.
Mababatid na sa pinakahuling pag-aaral ng OCTA Research Team, lumabas na bumaba ang reproduction number ng virus sa Metro Manila sa 1.23 na dating nasa 1.88.