Maingat na pag-aralan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kahilingang magdeklara ng martial law sa anim (6) na bayan sa Sulu.
Ayon sa Pangulo, kailangang pag-isipang mabuti ang deklarasyon ng martial law dahil hindi lamang ito political kundi isang emosyonal na desisyon.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na kung magpapasya syang magdeklara ng martial law, hindi lamang ito para sa Sulu at hindi lamang para supilin ang rebelyon kundi para resolbahin ang lahat ng klase ng kriminalidad.
“If I declare martial law, there is no telling how long it will be and for what for. I’m telling you now, that I will not only decide to end rebellion, I will solve everything in Mindanao”, ani Pangulong Duterte.
Pangulong Duterte hindi nababahala na iakyat sa ICC ang impeachment complaint laban sa kanya
Malaya si Magdalo Party List Representative Gary Alejano na magpasaklolo sa International Criminal Court o ICC matapos mabasura ang inihain nitong impeachment complaint sa House Committee on Justice.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi niya pipigilan ang nais ni Alejano dahil sa bahagi aniya ito ng demokrasya.
Iginiit ng Pangulo na hindi siya nababahala sa plano ni Alejano na ayon pa sa Punong Ehekutibo ay isang malaking kalokohan.
By Len Aguirre / Ralph Obina | With Report from Aileen Taliping