Kumbinsido ang si dating Senador Aquilino ‘Nene’ Pimentel na mayroong basehan ang pagdeklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa buong Mindanao.
Si Pimentel ay isa sa mga pangunahing lumaban sa Martial Law noong panahon ni Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Pimentel, nangamba marahil ang Pangulong Duterte na kumalat sa iba pang bahagi ng Mindanao ang kaguluhan kung lilimitahan lamang niya sa Marawi City ang Martial Law.
Posible anyang maulit ang kahalintulad ng nangyari sa Bohol na kahit nasa Visayas region ay pinasok ng Abu Sayyaf.
“Ina-anticipate siguro ni President Digong, now ang importante lamang dito ay ang pag-implementa ng Martial Law ngayon ay hindi naman maaaring pareho noong kapanahunan ni Marcos, dahil noong panahon ni Marcos, siya lang ang bahala sa lahat, ngayon sinisiguro sa ating Saligang Batas na ang karapatang pantao ay hindi puwedeng isantabi na lang.” Pahayag ni Pimentel
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas (Interview)
“Pagdeklara ng Martial Law sa Mindanao may basehan” was last modified: May 26th, 2017 by DWIZ 882