Kinondena ng iba’t ibang human rights group ang nangyaring pagpapasabog sa Roxas Night Market sa Davao city nitong Biyernes
Kasunod nito, nanawagan ang grupong Karapatan kay Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang naturang pangyayari
Ayon kay Cristina Palabay ng grupong Karapatan, hinihiling nila sa Pangulo na tingnan ang posibleng kaugnayan ng militar at ng gubyerno ng Amerika sa pangyayari
Aniya, nangangamba silang ginagamit lamang ng Amerika ang paghahasik ng karahasan upang paigtingin ang kanilang pakiki-alam sa pilipinas
Kasunod nito, nagbabala rin si Palabay sa posibleng pang-aabuso ng mga sundalo bunsod ng idineklarang State of Lawless Violence ng Pangulo
Aniya, nagresulta sa warrantless arrest, torture at illegal detention sa mga sibilyang Muslim ang kaparehong deklarasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo nuong 2001 dahil sa pag-aakalang sila’y miyembro ng Abu Sayyaf
By: Jaymark Dagala