Makabubuti sa mga botante ang pagdeklara ni Sen. Bongbong Marcos ng kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente sa 2016 elections.
Ito, ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, ay dahil maraming mapagpipilian sa Vice Presidential race na kinabibilangan nina Marcos, Chiz Escudero, Antonio Trillanes, Alan Peter Cayetano at Leni Robredo.
Giit ni Coloma, dahil dito’y mabibigyan ng pagkakataon ang mga botante para suriing mabuti ang plataporma de gobyerno ng mga kandidato at gayundin ang kanilang track records.
By Jelbert Perdez