Nagsimula nang magdeploy ang Commission on Elections (COMELEC) ng election equipment mula sa kanilang warehouse sa Sta. Rosa, Laguna na gagamitin para sa May 2022 National and Local Elections.
Ayon sa poll body, unang ipapakalat sa lokal hubs sa buong bansa ang mga external batteries at ballot boxes ng Vote Counting Machine (VCM).
Idedeploy naman ang mga non-accountable forms at supplies sa Pebrero a-16 sa provincial at city treasurers sa mga prayoridad na lugar habang ang mga VCM, consolidation and canvassing system (CCS) machine at transmission equipment ay ipapadala mula Abril a-2 hanggang a-19.
Samanatala, ang mga official ballots at indelible ink naman mula sa National Printing Office (NPO) ay idedeploy sa city at municipal treasurers sa Abril a-20 at Mayo a-5. —sa panulat ni Angelica Doctolero