Walang nakikitang masama si Senate President Koko Pimentel sa pagdideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng SOCO o Suspension of Combat Operations laban sa NPA o New People’s Army ngayong kapaskuhan.
Ito’y kahit pa una nang tinagurian ni Pangulong Duterte na teroristang grupo ang NPA dahil sa walang tigil nitong mga pag-atake at paghahasik ng karahasan sa mga kanayunan.
Giit ni Pimentel, hindi aniya nangangahulugan ng paglambot ng pangulo sa CPP-NPA ang kaniyang naging hakbang sa halip, ikinukonsidera niya lamang ang diwa ng Kapaskuhan.