Ikinatuwa ni Congressman Sammy Pagdilao, ang tuluyan nang pagsasara ng Pangulong Benigno Aquino III sa usapin ng Mamasapano encounter.
Ito ay matapos aminin ng Pangulo, nitong nakaraang lingo na walang katotohanan ang kumalat na umano’y alternative truth sa kaso kung saan sinabing ang nakapatay kay Marwan ay ang assistant nito at hindi ang mga miyembro ng Special Action Force.
“Maganda naman po na tinuldukan na niya, sinabi nga po na walang kaduda-duda, at ito po ay dati rin kung doon sa nabanggit niya sa una at papaimbestigahan niya.” Ani Pagdilao.
Aminado din si Pagdilao na makakaapekto sa talakayan sa Bangsamoro Basic Law, ang paglutang ng umanoy “alternative truth.”
“Have atleast the relevance of the filing of this case sa ongoing BBL discussion, isa po doon sa isa itinatanong which is an element for us to decide whether or not to support the BBL ay ‘yun pong sincerity ng MILF, na i-file ang kaso lalabas ang mandamiyento de aresto, pressure ito sa MILF to surrender their members.” Pahayag ni Pagdilao.
By Katrina Valle | Sapol Ni Jarius Bondoc