Nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang JCOC – AES Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election ngayong araw.
Ayon sa komite, titingnan sa magiging pagdinig ang mga nangyaring aberya noong May 13 midterm elections kasama na ang glitches na idinulot ng sirang SD card at mga vote counting machines.
Pangungunahan nina Senator Koko Aquilino Pimentel at Cibac Partylist Rep. Sherwin Tugna ang gagawing imbestigasyon.
Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag utos sa COMELEC na palitan na ang Smartmatic bilang service provider ng mga VCM.