Sisimulan na ng Kamara ang pagdinig nito kaugnay sa nadiskubreng mega shabu laboratory sa lalawigan ng Catanduanes noong isang taon.
Ayon kay Surigao Del Norte Representative Robert Ace Barbers, Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, layon nitong himayin kung paano nakalusot sa mga lokal na opisyal ng lalawigan ang pagtatayo ng nasabing pasilidad.
Magugunitang idinawit ang pangalan nila Catanduanes Governor Joseph Cua at Virac Mayor Samuel Laynes sa nasabing laboratoryo ngunit itinanggi nila ang paratang.
Samantala, nananatiling at large naman ang iba pang mga sangkot sa nasabing kontrobersiya tulad nila Jason Gonzales Uy at iba pang Chinese nationals.
By Jaymark Dagala