Ayon kay House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at Pampanga Rep. Oscar Rodriguez sa lalong madaling panahon ay itatakda nito ang pagdinig sa ‘tanim-bala’ scheme.
Ang komiteng pinamumunuan ni Rodriguez at ang House Committee on Transportation na pinamumunuan naman ni Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento ang naatasang magsiyasat sa tanim-bala incidents sa NAIA.
Ngayong araw, Nobyembre 3, ay muling magbubukas ang session sa Kamara matapos mag-recess kaakibat ng paggunita sa Undas.
Sinabi pa ni Rodriguez na kung matutukoy ang pagkakakilanlan ng whistleblower ay kasama ito sa mga ipatatawag at pahaharapin sa imbestigasyon ng kamara.
By: Mariboy Ysibido