Pormal nang hiniling kahapon ni Atty. Eligio Mallari kay Solicitor General Jose Calida na simulan na ang ‘quo warranto proceedings’ laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ang ‘quo warranto proceedings’ ay isang ligal na paraan ng pagkuwestiyon sa kuwalipikasyon ng isang opisyal ng gobyerno sa kanyang hawak na posisyon.
Nakasaad sa liham ni Mallari ang kabiguan ni Sereno na magsumite ng kanyang SALN o Statements of Assets, Liabilities and Net worth.
Maliban dito, nabanggit din ang umano’y bagsak na grado ni Sereno sa psychological test bago ito napasama sa shortlist noong 2012.
Si Sereno ay kasalukuyang nahaharap sa impeachment complaint sa Kamara na inihain ni Atty. Larry Gadon.
—-