Tuloy pa rin ang pagdinig ng House Committee on Justice ngayong araw para sa determination of probable cause kaugnay sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito’y sa kabila ng naging pahayag ni Sereno na hindi siya dadalo sa pagdinig at sa halip, ang mga abogado na lang niya ang haharap para magtanong sa complainant na si Atty. Larry Gadon gayundin sa mga testigo nito laban sa punong mahistrado.
Ayon kay House Justice Committee Chairman at Mindoro Representative Reynaldo Umali, bagama’t iginagalang nila ang pasya ni Sereno pagbobotohan pa rin naman ng mga miyembro ng komite kung pagbibigyan ang hirit nito na hayaan ang kaniyang mga abogado na magtanong sa mga testigo.
Una rito, kapwa inihayag nila House Speaker Pantaleon Alvarez at Umali na hindi nila papayagang magtanong ang mga abogado dahil mas nais nilang si Sereno mismo ang humarap at siyang mag-cross examine sa mga saksi.
—-