Tatapusin na ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagdinig nito kaugnay sa confidential funds ng mga tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Manila 3rd District Representative Joel Chua, Chairman ng Komite, ito ay dahil sa mga nakahaing impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.
Iginiit din ng Kongresista na ito ay para bigyang-daan ang imbestigasyon ng Armed Forces of the Philippines sa alegasyong nakatanggap ang dalawang aktibong militar ng pera mula sa nasabing pondo.
Matatandaang iniimbestigahan ng nasabing Komite ang sinasabing iregularidad sa paggastos ng confidential funds ni VP Sara na nagkakahalaga ng 612.5 million pesos mula December 2022 hanggang September 2023.