Sisimulan na bukas, Agosto 1, ng House Appropriations Committee ang kanilang sunod-sunod na pagdinig kaugnay sa panukalang P3.767-T National Budget para sa taong 2018.
Nakatakda namang humarap sa komite ang Development Budget Coordinating Committee, Department of Budget and Management (DBM), National Economic and Development Authority (NEDA0, Department of Finance (DOF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ito ay upang ipresenta at ilatag ang mga nilalaman ng proposed budget ng administrasyong Duterte sa susunod na taon.