Ipinagpaliban ng Kamara ang pagdinig sana ngayong araw na ito sa prangkisa ng ABS-CBN.
Sa halip ipinabatid ng house committee on legislative franchises na inilipat ang pagdinig sa Lunes, June 29 para mabigyan ng sapat na panahon ang pagsusumite ng mga dokumentong kailangan hinggil sa usapin.
Ngayong linggo sana sisimulan ng joint panels ang interpellations sa posibilidad na paglabag ng ABS-CBN sa terms ng kanilang dating prangkisa.
Partikular na tatalakayin ang usapin sa pagbebenta ng TV plus boxes subalit gamit ang free to air signal na ibinigay sa kanila ng libre sa pamamagitan ng kanilang dating prangkisa.