Tinawag na malamiya at walang tapang ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at tiyak na wala ring mapananagot sa ginagawang imbestigasyon ng Kamara
Kaugnay ito sa nangyaring malawakang pagbaha sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela matapos magpakawala ng tubig ang Magat Dam dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses
Ayon kay KMP President Danilo Ramos, mahalaga aniyang pagtuunan ng pansin ang walang habas na illegal logging sa kabundukan ng Cagayan na siyang sanhi ng pagbaha
“Tingin po namin mahalaga matukoy sino responsable at di matulad sa iba na after ng insidente ay basta nawala na lang sa limot. Kelangan magkaron ng hustisya sa mamamayan na naapektuhan. Ito ang pinakamagandang pagkakataon para tignan ng mga mambabatas ang pagkalbo na ng mga bundok at pagkasira ng kalikasan dulot ng mining”pahayag ni Ramos.
Ginawa ni Ramos ang pahayag makaraang isisi ni House Speaker Lord Allan Velasco sa Climate Change ang naging pagbaha sa Cagayan at Isabale kaya’t dapat na nilang repasuhin ang Dam Protocols upang hindi na maulit ang kahalintulad na insidente
“mahalaga ang imbestigasyon na ito ng Kamara pero sa takbo ng ginagawang hearing ay mapupunta na ito at magagaya lang sa nakaraan na wala ring nangyari, ang aming apela ay huwag lang magfocus sa dam”dagdag pa nito.
Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food at Special Committee on North Luzon Growth Quadrangle, sinang-ayunan ni House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera ang pahayag ni Velasco at idinagdag na nuon pang 2006 sinusuod ang dam protocol pero hindi na ito akma sa kasalukuyang panahon
Pero giit ni National Irrigation Administration (NIA) head Ricardo Visaya, hindi ang pagbubukas ng gates ng Magat dam ang ugat ng matinding pagbaha sa Cagayan at Isabela kundi ang malawakang illegal logging, mining at quarrying activities sa lugar.