Sinimulan na ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pagdinig nito kaugnay sa P3.7-T panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Sa unang araw ng pagdinig ng Kamara, inilatag ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang mga proyekto at batayan ng alokasyon ng administrasyon para sa taong 2018.
Pinangunahan ni Diokno ang Development Budget Coordinating Committee na binubuo ng mga Economic Managers ng administrasyong Duterte tulad ng National Economic ang Development Authority (NEDA) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Una nang tiniyak ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexi Nograles na target nilang matapos bago matapos ang buwan ng Setyembre ang pagtalakay hinggil dito bago maiakyat sa plenaryo.