Aarangkada na ang pagdinig ng Senate Committee on Public Services hinggil sa franchise rules para sa ride-sharing services sa gitna ng ikinakasang crackdown ng LTFRB o Land Transportation and Franchising Regulatory Board laban sa mga kolorum na sasakyan.
Ayon kay Committee Chair Senator Grace Poe, dapat nang pagandahin ng Uber at Grab ang kanilang serbisyo dahil sa popularidad nito at suporta mula sa mga mananakay.
Magugunitang sinuspinde ng LTFRB ang plano sana nitong panghuhuli ng mga kolorum na tsuper ng Uber at Grab bunsod ng motion for reconsideration na nakabinbin sa ahensya.
Tatalakayin din ng komite ang hiwalay na panukalang batas nina Poe at Senador Sherwin Gatchalian na naglalayong bumalangkas ng taxi passenger bill of rights.
- Gilbert Perdez