Nabunyag na halos 200 OFW’s o Overseas Filipino Workers sa Kuwait ang nasawi sa kamay ng kanilang mga employer sa loob lamang ng dalawang taon.
Ito ang lumabas sa pagdinig ng Senate Committee on Labor, Employment & Human Resources Development kahapon kaugnay ng nangyaring pagkakapatay sa OFW na si Joanna Demefilis, ang Pinay na natagpuan sa loob ng isang freezer sa bahay ng kaniyang employer sa Kuwait.
Giit ni Villanueva, nakababahala ang naturang datos lalo pa’t marami sa mga OFW’s sa Kuwait ang hindi pa rin matagpuan makaraang mapaulat na nakararanas ng pang-aabuso o pagmamalupit mula sa kanilang mga amo.
Lalo pang nabigla ang lahat ng maglabas ng datos si OWWA o Overseas Workers Welfare Administrator Hans Cacdac hinggil sa bilang ng mga OFW na nakararanas ng pang-aabuso sa naturang bansa.
Posted by: Robert Eugenio