Muling ipagpapatuloy ng Senado ngayong araw ang pagdinig nito kaugnay sa malagim na pagkamatay ng UST Law freshman na si Horacio “Atio” Castillo III sa kamay ng Aegis Juris Fraternity.
Inaasahan sa pagdinig ang pagsisiwalat ng isa sa mga miyembro ng naturang fraternity na si Marc Ventura hinggil sa tunay na nangyari sa pagkamatay ni Atio.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, miyembro ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, umaasa siyang ilalahad ni Ventura ang buong katotohanan.
Sinabi pa ni Gatchalian na nais din nilang malaman sa nasabing pagdinig kung sinu-sino ang mga nagplano at kasama nang isakatuparan ang hazing rites na nagresulta sa pagkamatay ni Castillo.
Magugunitang isinailalim ng Department of Justice o DOJ sa kostudiya ng WPP o Witness Protection Program si Ventura makaraang magsumite ito ng kaniyang confidential statement.
—-