Itutuloy na ng Senate Committee on Banks and Financial Institutions ang imbestigasyon kaugnay sa umano’y tagong yaman ni Commission on Elections o COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ito ang inihayag ni Senador Chiz Escudero, Chairman ng nasabing komite matapos na tanggapin na ng Malacañang ang resignation ni Bautista.
Ayon kay Escudero, kanilang itatakda ang pagdinig sa pagbabalik sesyon ng Senado sa Nobyembre.
Nasa kamay na rin aniya ng author ng resolusyon na nagsulong ng imbestigasyon at mga miyembro ng committee kung kailan ipatatawag si Bautista sa pagdinig.
Matatandaang nasuspendi ang pagdinig ng Senado kaugnay sa umano’y pagkakaroon ng tatlumpung bank accounts ni Bautista sa Luzon Development Bank makaraang may maghain ng impeachment complaint laban dito sa Kamara.
(Ulat ni Cely Bueno)