Tinapos na ng Senate Committee on Justice and Human Rights ang pagdinig nito kaugnay sa extra-judicial killings sa ilalim ng kampaniya kontra droga ng Administrasyong Duterte
Ito’y para masimulan naman ng naturang komite ang isa pang pagdinig na tatalakay naman sa muling pagbabalik ng parusang kamatayan para sa mga mapatutunayang nagkasala sa batas
Bago ito, personal na humingi ng paumanhin kay Senate Committee on Justice Chair Richard Gordon si CHR Chair Chito Gascon hinggil sa pagbansag sa kaniyang duwag ng isa sa mga opisyal ng komisyon
Nagpahayag din ng suporta si Gascon sa mga isasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa nasabing usapin
Nakatakda namang ilabas ng komite ang kanilang report sa Lunes kung wala nang idaragdag ang iba’t ibang mga grupo na dumalo sa pagdinig
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno