Tinapos na ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa tinaguriang “Sugar Fiasco”.
Ito’y matapos humarap na sa pagdinig si Executive Secretary Victor Rodriguez at sagutin ang katanungan ng ilang senador.
Mismong si Senate President Juan Miguel Zubiri ang nagmungkahing i-terminate ang imbestigasyon para makagawa agad ng Committe report.
Lalamanin ng Committee report na inaasahang ilalabas bukas ang rekomendasyong kasuhan ang ilang indibidwal na sangkot.
Humingi naman ng paumanhin si Rodriguez dahil sa hindi pagdalo sa dalawang nakaraang pagdinig, na humantong sa pag-isyu ng Subpoena sa kanya.
Mariin ding itinanggi ni Rodriguez na may Go Signal niya ang Senate Order Number 4 para sa importasyon ng mahigit 300,000 metric tons ng asukal.
Samantala, tiniyak naman ni Zubiri na agad nilang aaksyunan ang isusumiteng report bago mag-session break sa katapusan ng Setyembre.