Posibleng sa kalagitnaan pa ng Pebrero sa susunod na taon simulan ng Senado ang deliberasyon sa panukalang magtatag ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Ito ang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri kasabay ng paggiit nito na hihintayin muna nila ang pinal na bersyon ng panukala mula sa House of Representatives.
Dahil ang mga sesyon ay ipinagpaliban sa parehong kapulungan ng Kongreso, sinabi ni Zubiri na ang lahat ng mga panukalang batas na ipinasa ng Mababang Kapulungan ay maaari lamang ilipat o i-refer sa Senado sa January 3.
Pagkatapos nito, ang panukalang batas na inaprubahan ng Kamara ay dadaan sa una ng pagbasa pagkatapos ay ire-refer sa hindi bababa sa apat na komite.
Samantala, binigyang-diin naman ni Zubiri na ang bilis ng pagpasa ng MIF bill ay depende sa kung paano tutugon si Senator Mark Villar sa mga deliberasyon sa panukala.