Ipagpapatuloy ng Senate Committee on Public Services ngayong araw ang pagdinig hinggil sa nangyaring aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng pagsadsad ng eroplano ng Xiamen Airlines sa runway noong Agosto 16.
Target ni Senadora Grace Poe, chairman ng komite na tapusin na agad ang padinig sa naturang insidente na nakaapekto sa mahigit dalawang daan limampung libong (250,000) mga pasahero.
Ito ay bagama’t hindi pa tapos ang ginagawang review ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa black box at data recorder ng sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines.
Magugunitang sa nakaraang pagdinig ng Senado noong Agosto 29, nagisa sina Transportation Secretary Arthur Tugade, MIAA General Manager Ed Monreal at iba pang aviation officials dahil sa napunang kakulangan sa paghawak sa insidente.
Muling ring humingi ng paumanhin sina tugade, monreal at ang opisiyal ng Xiamen Airlines sa mga naapektuhan ng naturang aberya sa paliparan.
—-