Sinimulan na ang unang public hearing ng Senate Justice and Human Rights Committee hinggil sa panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan.
Ayon kay Senador Manny Pacquiao na isa sa mga nagtutulak na maibalik ang death penalty, iginiit nito na karapat-dapat lamang na parusahan ng bitay ang mga mapapatunayang drug traffickers.
Binigyang diin ni Pacquiao na hindi lamang isang tao ang sinisira ng mga nasa likod ng pagpupuslit ng iligal na droga kundi ang buong bansa.
Si Pacquiao ang may akda ng tatlong death penalty bills sa heinous crimes na may kaugnayan sa iligal na droga, kidnapping at aggravated rape.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Senador Manny Pacquiao
Naniniwala naman si Senate Majority Floorleader Tito Sotto na makakapasa lamang ang parusang kamatayan sa Senado kung ililimita lamang ito sa mga high level drug trafficker.
Pero para naman kay Senadora Risa Hontiveros walang pag-aaral ang nagsasabing epektibo ang death penalty para pababain ang kaso ng krimen sa isang bansa.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Senador Risa Hontiveros
By Ralph Obina | Report from: Cely Bueno (Patrol 19)