Itinakda na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Pebrero ang mga pagdinig para sa panukalang dagdag pasahe ng mga Public Utility Jeepneys at Transport Network Vehicle Service.
Ayon kay L.T.F.R.B. Board Member, Atty. Aileen Lizada, isasagawa ang hearing para sa fare hike petitions ng mga jeep at taxi sa Pebrero a-trese habang sa Pebrero a-katorse diringgin ang petisyon ng Grab Philippines.
Inihihirit anya ng mga jeepney operator dagdag Dos Pesos mula sa kasalukyang Otso Pesos na minimum fare pero tila nais ng mga ito na baguhin ang kanilang petisyon.
Inihain ang mga petisyon sa gitna ng nagbabadyang dagdag excise tax sa mga produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform For Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.