Ipinaaapura na ng senado ang pagdinig sa panukalang 2016 national budget.
Sinasabing morning at afternoon session ang pagdinig para maipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa budget proposal na nagkakahalaga ng mahigit P3 trilyong piso.
Una nang hinimok ni Senate President Franklin Drilon ang mga kasamahang senador na tiyaking makadadalo sa mga pagdinig.
Dapat umanong dumalo ang mga senador lalo na kung may mga ‘concern’ ang mga ito sa budget ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)