Ipinagpaliban ng kamara ang deliberasyon ng 2022 proposed budget ng Presidential Communications Operations Office o PCOO.
Ito’y makaraang maghayag ng pangamba si Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas na maaaring gamitin sa pagpapakalat ng fake news at red-tagging laban sa ilang indibiduwal ang pondo.
Kinuwestyon din ni Brosas ang PCOO hinggil sa mahigit 300 contract of service personnel na ini-hire noong isang taon.
Aminado naman ang PCOO kinulang sila sa manpower kaya’t nag-hire ng mga contract service personnel.
Aabot sa P2 bilyon ang panukalang budget ng PCOO sa susunod na taon.—sa panulat ni Drew Nacino