Nagbabadyang bigyan ng zero budget para sa susunod na taon ang Commission on Human Rights o CHR.
Ito’y makaraang ipinagpaliban muli ng Kamara ang plenary deliberation para sa panukalang 678 million peso proposed budget ng CHR sa taong 2018.
Sa halip itinakda ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang deliberasyon sa Martes, Setyembre 12 na huling araw ng budget deliberations.
Una ng ibinabala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na bibigyan niya ng zero budget ang komisyon dahil sa walang humpay na batikos nito sa war on drugs ng Duterte administration.
Sa kabila nito, umaasa si CHR Chairman Chito Gascon na magbabago ang pasya ng Kamara sa muli nilang pagsalang sa budget deliberations.
By Drew Nacino
SMW: RPE