Tanging ang Korte Suprema lamang ang makakapigil sa pagsasagawa ng mga pagdinig ng Kamara hinggil sa Charter Change.
Binigyang diin ito ni house committee on constitutional amendments chair Alfredo Garbin kaya’t pupuwedeng tumakbo sa high tribunal ang mga kontra sa kanilang hakbangin.
Una nang kinuwestyon ng mga senador at ilang kongresista ang naging pahayag ni Garbia na umupo na ang house panel bilang constituent assembly sa pagtutok nito sa mga panukalang amiyenda sa restrictive economic provisions sa konstitusyon.
Hindi aniya nila pipigilan ang mga nagsasabing may kontrobersya sa hakbang ng Kamara na tutukan ang mga panukalang amiyenda sa economic provisions ng saligang batas.
Subalit sinabi ni Garbin na kung aaprubahan ng komite at ire-refer sa plenaryo patuloy ang pagtalakay nila sa panukala at pagde-debatehan ito kung walang direktiba laban dito ang Korte Suprema.
Sa pagsisimula muli ng house panel hearings sa economic Cha-Cha noong Miyerkules inihayag ni Garbia na ang panel ay nakaup na bilang con ass habang tinatalakay nito ang dalawang resolusyon hinggil dito na isinulong ni House Speaker Lord Allan Velasco.