Muling ipinagpaliban ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 34 ang pagdinig sa disobedience to summon case ni Senador Leila De Lima.
Ito ay matapos na mabigo ang prosekusyon na iharap ang kanilang witness laban sa senadora na si Ronnie Dayan, dating driver at bodyguard ni De Lima.
Ayon kay Atty. Boni Tacardon, abogado ni De Lima, hindi pa nagpapasiya si Judge Lorna Navarro ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 na may hurisdiksyon kay Dayan kung papayagan itong umalis ng kulungan para dumalo sa pagdinig sa Quezon City.
Iginiit naman ni Tacardon na sakaling muling mabigo si dayan na makadalo sa panibagong gdinig na itinakda sa Nobyembre 7, kanila nang hihilingin sa korte na i-waive na lamang ang pagdalo nito at hilingin sa prosekusyon na maghanap na ng ibang testigo.
Ang kasong disobedience to summon laban kay De Lima ay inihain nina dating Speaker Pantaleon Alvarez, Congressmen Rodolfo Fariñas at Reynaldo Umali matapos na isnabin ng senador ang pagdinig ng House committee on justice at payuhan si Dayan na huwag ding dumalo.