Ilalarga na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Eastern Visayas ang serye ng public consultations para sa hirit na dagdag-sahod sa mga manggagawa sa pribadong sector.
Ayon kay Reynaldo Soliveres, Secretary ng RTWPB-Eastern Visayas, matapos ang mga konsultasyon ay magkakaroon ng deliberasyon hinggil sa socio-economic indicators sa rehiyon.
Isasagawa anya ang public consultation sa Macrohon, Southern Leyte sa Abril 22 na dadaluhan ng mga employer at manggagawa.
Simula naman Abril 27 hanggang Mayo 23 ay magsasagawa ng konsultasyon sa Ormoc City para sa Western Leyte; Borongan City, Eastern Samar; Calbayog City, Samar; Catarman Northern Samar at Tacloban City, Leyte.
Bago matapos ang Mayo ay tiniyak ni Soliveres na magkakaroon na sila ng desisyon sa hirit na dagdag-sahod.
Una nang hiniling ng Solidarity of Unions in the Philippines for Empowerment and Reforms na itaas sa 750 pesos ang arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong saktor sa rehiyon mula sa kasalukuyang 325 pesos.