Nilinaw ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na pansamantala lamang nilang ipinagpaliban ang implementasyon ng P30 rollback sa flagdown rate sa mga taxi.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na ito’y dahil na rin sa inihaing motion for reconsideration ng grupo ng mga taxi operator.
Nais aniya nilang mapag-aralan ang argumento ng mga ito.
Ayon kay Ginez, itinakda nila sa susunod na Martes, April 12 ang pagdinig sa fare adjusment sa mga taxi.
LISTEN: Bahagi ng pahayag ni LTFRB Chairman Winston Ginez
By Meann Tanbio | Ratsada Balita