Binuksan na ng Senate Committee on Public Services ang pagdinig sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Pinangunahan ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagdinig matapos na mag inhibit rito ang chairman ng komite na si Senadora Grace Poe.
Kabilang sa pinag-usapan ang panukalang irenew ang prangkisa ng ABS-CBN hangang 25 taon at ang pagbibigay ng pansamantalang prangkisa hangang June 2022 upang makapag-operate ang network habang tinatalakay pa ang renewal ng kanilang prangkisa.
Una ay kinuwestyon ni Senador Francis Tolentino kung constitutional ang pagdinig dahil hindi pa ito pumapasa sa Kamara.
Gayunman, nilinaw ni Gatchalian na hindi sila bubuo ng report hanggat hindi pa nata-transmit sa senado ang final version ng Mababang Kapulungan.