Sakaling matanggap na ang sworn affidavit ni Retired SPO3 Arthur Lascañas uubra nang maitakda sa Huwebes, March 2 ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang pagdinig sa ibinunyag ng dating pulis.
Ayon ito kay Committee Chair Panfilo Lacson bagamat hindi pa niya aniya matiyak kung siya na ang hahawak sa nasabing usapin at maaari pa aniyang may maghabol dito para mailipat sa ibang komite.
Sinasabing dapat ay sa Senate Committee on Justice and Human Rights i-refer ang usapin na tinututulan naman ng ilang senador dahil ayaw ni Committee Chair Richard Gordon na pa testiguhin muli si Lascañas na anito’y nagsinungaling sa imbestigasyon sa davao death squad o DDS.
By Judith Larino |With Report from Cely Bueno