Sisimulan na ngayong araw na ito ng House Justice Committee ang pagdinig sa dalawang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sinabi ni Committee Chair Reynaldo Umali na magpapasya sila kung sufficient in form at substance ang nasabing reklamong impeachment.
Ayon kay Umali kaagad nilang ibabasura ang impeachment complaints kapag bumagsak sa sufficiency test subalit kapag sufficient in form and substance ito kailangang sagutin ni Sereno ang mga naturang reklamo.
Pagkatapos nito ay pag iisahin aniya nila ang mga usapin bago simulan ang impeachment proceeding.
Obligado namang dumalo sa pagdinig ang mga complainant at endorser ng mga nabanggit na impeachment complaint na isinampa ni Atty Larry Gadon at VACC kasama ang Vanguard of the Philippine Constitutional Incorporated.
SMW: RPE