Ipagpapatuloy ngayong araw ng House of Representatives ang pagdinig sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Juctice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay House Justice Committee Reynaldo Umali tatlong mahistrado mula sa Korte Suprema ang kanilang inaasahang dadalo sa pagdinig.
Kabilang sa mga inaasahang haharap ay sina Associate Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Samuel Martires.
Dagdag ni Umali, bukod sa mga mahistrado ng Korte Suprema, kanila ring inimbitahan si Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez at mahistrado mula sa Court of Appeals at Sandiganbayan.
Una nang tumanggi si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na dumalo sa pagdinig ng House Justice Committee dahil sa aniya’y kawalan niya ng personal knowledge sa mga isyu laban kay Sereno.
—-