Posibleng sa susunod na taon pa masimulan ang pagdinig sa ihinaing impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.
Ito ang inihayag ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez dahil sa kakulangan na rin aniya ng panahon.
Ayon kay Rodriguez, halos isang linggo na lamang ang nalalabi sa session ng Kongreso bagong ito mag-adjourn para sa holiday.
Aniya, nakatakda ang recess ng Kongreso sa Disyembre 18 at magbabalik na sa Enero 21 ng susunod na taon.
Sinabi ni Rodriguez, hindi maaaring madaliin ang deliberasyon sa impeachment complaint laban kay Leonen lalu’t miyembro ito ng pinakamataas na hukuman sa bansa.
Tiniyak naman ng mambabatas na kanilang bibigyan ng sapat na panahon at pagkakataon si Leonen para idepensa ang kanyang sarili sa kinahaharap na impeachment complaints.