Sisimulan na sa susunod na linggo ng house Committee on Justice ang Pagdinig sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.
Ang nasabing pagdinig ay itinakda sa Mayo 27, Huwebes matapos una nang i-refer sa justice committee ang reklamong impeachment nitong Martes.
Aalamin ng komite kung sufficient in form and substance ang impeachment complaint na isinampa ni Edwin Cordevilla, secretary general ng Filipino League of advocates for good government nuong Disyembre 7, 2020 dahil sa pagkabigo anito ng mahistrado na desisyunan ang 37 kaso sa loob ng dalawang taon.