Target tapusin ng House Committee on Justice ang pagdinig sa impeachment case laban kay Supreme Court chief justice Maria Lourdes Sereno sa susunod na tatlong linggo.
Ayon kay Congressman Rey Umali, chairman ng komite, posibleng mag-hearing sila ng tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo para marinig ang lahat ng testigo at makuha ang lahat ng kailangang dokumento.
Sinabi ni Umali na nais niyang maisalang na sa plenaryo, anuman ang kalabasan ng hearing at mapagbotohan ito sa December 13.
Bagamat hanggang pebREro pa aniya animnapung araw na session days para aksyunan ang isang impeachment case, mas maganda aniya kung mapagbobotohan ito bago mag-Pasko para makapaghanda na sila habang nakabakasyon ang Kongreso.
“More or less nakita na natin kaya lang alam mo naman sa trial kung minsan hindi dumarating ang witness, o kaya humingi ng additional time, o kaya hindi nadala ang dokumento, so mag-a-allocate tayo ng isang araw pa diyan, yan ang problema, masyado nang masikip yan ay mga Pebrero pa naman, ang 60 session days, puwede naman kaya lang ang problema mag-pa-Pasko na ay pinoproblema pa natin ito, gusto sana natin bago mag-Pasko ay tapos ito para paghahandaan na at alam na natin ang gagawin natin.” Pahayag ni Umali
(Ratsada Balita Interview)