Umusad na sa House Committee on Games and Amusements ang pagdinig sa Internet Gamblling Regulatory Act of 2017.
Sa ilalim ng House Bill 5187 ay bubuo ng isang regulatory board na gagawa ng mga regulasyon o patakaran upang mabantayan ang online gaming sa bansa .
Target din ng naturang panukala na paigtingin ang pagbabawal sa mga menor de edad na makapagsugal sa internet habang may parusang naghihintay naman sa mga establisyementong pinapayagan ang mga wala pang 18 anyos na gumamit ng internet gambling.
Ayon sa may akda na si Magdalo Rep. Gary Alejano, mahalagang maprotektahan ang publiko lalo na ang mga menor de edad sa masamang epekto ng sugal na siyang sakop ng nasabing panukalang batas.