Sinimulan na ng Senado ang pagbusisi sa mga basura mula sa Canada na itinambak sa isang sanitary landfill sa Capas, Tarlac.
Sa pagdinig, binigyang diin ni Tarlac Vice Governor Enrique “Kit” Cojuangco Jr. na nangangamba siya para sa kanyang mga nasasakupan.
Giit ni Cojuangco, nais nila ng permanenteng solusyon sa problema at matiyak na ang mga naturang basura ay ligtas at hindi malalagay sa panganib ang kalusugan ng mga residente.
Sinasabing bukod sa mahigit 20 container vans ay may halos 70 iba pa ang nakatakdang itambak sa Tarlac mula sa Subic.
Matatandaang kinasuhan na ang chronic plastics na siyang importer ng mga nasabing basura.
By Jelbert Perdez