Ipinag-utos ng Korte Suprema sa Palawan Regional Trial Court na ituloy nito ang pagdinig sa kaso ng pagpatay sa mamamahayag at environmentalist na si Doc. Gerry Ortega.
Ito ang inihayag ng High Tribunal nang ibasura nito ang inihaing petition for certiorary ni dating Justice Secretary Leila de Lima.
Sa 21 pahinang desisyon na pinonente ni Associate Justice Marvic Leonen, sinasabing dapat ituloy ng korte ang pagdinig dahil napatunayan na mayroong probable cause laban kina dating Palawan Mayor Joel at dating Coron Mayor Mario Reyes.
Ito ang dahilan ani Leonen kaya naglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa dalawang itinuturong suspek.
By Jaymark Dagala | Bert Mozo (Patrol 3)