Ipupursige ng kampo ni Kerwin Espinosa na mailipat sa korte sa Metro Manila ang pagdinig sa kasong pagpatay sa kanyang amang si dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.
Ayon kay Atty. Lanie Villarino, isa sa mga abogado ni Espinosa, hindi nila inaalis ang resbak sa kanila ng mga kakampi nina Supt. Marvin Marcos at labing syam (19) pang dating pulis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 na kinasuhan nila ng pagpatay kay Mayor Espinosa.
Sa ngayon anya ay nakabinbin pa sa korte ang kanilang petisyon para mailipat ang kaso samantalang inaayos na rin ng mga prosecutors na mapag-isa na ang kasong pagpatay kay Espinosa at sa isa pang bilanggo na si Raul Yap.
“Titignan natin kung ano ang sitwasyon at dobleng ingat na lang po sa mga kapatid niya sa Albuera, pero sana walang mangyari na ganyang resbak, justice lang naman ang hinihingi namin, ngayon parang nag-uumpiusa na, this is a long battle, matatagalan po ito pero atleast andito na tayo mag-uumpisa na.” Pahayag ni Villarino.
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)